Smartbro Canopy plan 999 router connection issues to internet

Discussion in 'General Topics' started by ko264, May 30, 2011.





  1. Hi guys,

    magandang araw sa inyong lahat i'm back! di ko lang talaga ma-access ang luma kong username kaya nakapaggawa na lang ng bago.

    patulong naman baka may nakakaalam sa inyo ng issue.

    Lately mga 2 weeks, na di ko na mapagana router ko sa smartbro, wala syang internet, pero in 3 years ni-hindi ako nagkaroon ng problema kahit reset ko man ang router at magreconfigure ng bago or mag-upgrade ng firmware. pero yun nga, ngayon parang pahirapan ng paganahin ang smartbro sa router. Pero kapag naka-direct to PC or laptop ang smartbro may internet naman.

    mga steps na ginagawa ko sa pag-configure ng router:
    1. connect the PC lan cable to lan(1-4) of the router then plug the router and login to 192.168.1.1
    2. clone the mac address of the PC kung saan naka-activate ang Smart.
    3. Set WAN settings into automatic configuration or DHCP
    4. power cycle the router, and making sure i can connect to the web ui of the router for 2-3 minutes
    5. click router status page, abang mode this time 0.0.0.0 ang values ng WAN, ip, gateway, dns...
    6. plug the smart modem to the WAN port of the router.
    7. monitoring the router status page, until it refreshes and shoot may values na ang WAN. supposedly may internet ka na.

    tipikal naman po yung ginagawa ko diba? yan ang nakagawian kong gawin sa smartbro for 3 years pag nagamit ng router. tapos yun nga two weeks na ang nakaraan nahihirapan na ako magkonek sa internet, lalong lalo na kung akoy mag-power cycle ng smart modem at router. akala ko nga sira na router ko eh, pero sinubukan ko sa ibang ISP at wala man lang akong kahirap hirap na i-connect sa internet. so walang sira yung router. napabili pa ako ng router na bago at wala ring nangyari di pa rin makakonek sa internet.

    also tried upgrading the firmware and also tried DD-WRT firmware pero wala pa rin nangyari. sinubukan kong manghiram ng ibang router. Linksys, Encore ENHWI-N3, at isang CDR-King wireless N router. lahat di gumana sa internet.

    ang kasalukuyan kong fix ganito:
    ang router at ang smart modem ay nasa iisang saksakan so sabay silang magbubukas, ang ginagawa ko bago ko i-on switch, tatangalin ko muna ang ethernet ng smart modem sa wan port ng router at tsaka ko pa lang i-on ang switch then maghihintay ako ng 2-3 minutes making sure na booted up ang router at smart modem. then pagkatapos nun, tsaka ko pa lang ibabalik sa wan port ng router ang ethernet cable ng smart. pero may glitch, kelangan may timing sa 2-3 minutes na nabangit ko else, may internet ka man, sobrang bagal naman. kaya paulit-ulit ako minsan hangang sa ma-attain ko yung optimal kong speed connection na 2mbps. hassle diba? kaya walang patayan ang ginagawa ko pag may connection na ako.

    in the end, siguro nasa smart na problema? di kaya sa Base Station ko? which blocks my router to connect to internet?

    curious lang talaga ako mga paps, kasi sa tatlong taon wala talaga akong naging problema kahit laru-laruin ko router. lately lang talaga ito nangyari.

    baka kako may nakaka-alam sa inyo kung bakit ito nangyayari lately? nakapagsearch na rin ako at di pala ako nag-iisa, meron naman ibang subscribers na hindi pa ito nae-experience sa side nila.
     
  2. athenaxds

    athenaxds Member




    ^ nasubukan mo mag clone ng mac address? PLDT is using the same method to prevent customers from using a router. They block common mac address for routers.
     



  3. uu paps, sinisiguro ko lagi na, na-clone ko ang mac address ng pc kung saan naka-activate ang smart.

    natry ko na talaga lahat ng troubleshooting na alam ko.
     



  4. buhayin ko lang ulit tong thread na to, Ganyan din na eexperience ko ngayon, lahat ng router na subukan ko ayaw nya mag link sa smartbro. parang wala syang nababasang wire na nakakabit.. pero pad dinirekta mo sa pc ok naman... any ideas ba?
     
                                 

Share This Page