SkyLine Internet Cable Connection

Discussion in 'General Topics' started by Chitaeh, May 26, 2008.





  1. Hello every one im new here. :)

    Mag ask lang ako if sino sa mga forumer here ang naka subscribe sa Cheetah Broadband?

    Rizal area tong net provider na to. This week lang nakabit samen so far ok yung connection accurate naman yung max download speed ko sa Plan na kinuha ko. Kaso me problem pag gumamit ako ng torrent application sobrang bagal mag download wala pa sa 1/3 yung down speed nya kahit sa off peak hour. If LimeWire naman walang prob kuha naman yung max down ko. To nga pala yung modem na gamit ko...

    WebStar DPC2100R2
    [​IMG]

    uTorrent 1.7.6 gamit ko nag try akong mag random test port kahit ano gamitin ko ganito lagi lumalabas...

    [​IMG]

    To kaya nagiging cost ng problem? Lam ko kasi sa port forward kapag my router lang kahit turn off ko firewall ganun pa din. To nga pala system ko...

    [​IMG]

    thanks in advance po sa mga mag rereply :p
     
  2. cyberfanatic

    cyberfanatic Member




    weird nga po yan...hehe, though hindi ako ganun kaknowledgeable about that, ang alam ko rin ay para sa mga may router lang yung port forwarding. Anyway, try mo po tong site na to to guide you finding solutions dun sa mga questions mo:

    http://www.portforward.com/networking/static-xp.htm

    perhaps, need mo muna yung static ip, then check mo ulit yung port mo. or better yet, basahin mo tong full guide about port forwarding:

    http://www.portforward.com/guides.htm

    hope this helps. :D
     
  3. cyberfanatic

    cyberfanatic Member




    additionally, ang alam ko po, sa upload speed mo lang nakakatulong yung portforwarding...di ko lang lam sa download speed pero based on my experience, sa upload ko nakita yung improvement after having followed those tips. pero di ba nga sa torrents, ang idea is sharing, kung gaano yung naishare mo, ganun din kadami yung makukuha mo without hassle, so i guess, it does affect indirectly your download speed. morning! :D
     
  4. donetus

    donetus Member




    OT:
    what's the website your of ISP?
     
  5. genexide

    genexide Member




    +1

    ngayon ko lang narinig yan eh.. ;)
     



  6. wala silang website na advertise lang yung broadband nila sa Cable :)
    from Angono, Teresa, Cardona, Morong, Baras, Tanay & Pililla service nila
     



  7. Nagawa ko Ung sa Static IP pero ganun pa din walang nagbago sa download speed ko sa torrent :(
     
  8. genexide

    genexide Member




    @chitae

    you mean cable tv tlga ang service nila na nag offer din ng cable internet?
     
  9. dhensky

    dhensky Member




    maybe hindi suported ng skyline cable yan....

    anong package ba kinuha mo?

    apat ang packages niyan di ba?

    asan ka dun
     
  10. NinjaSix

    NinjaSix Member




    pwede port forward kahet modem lang gamet mo ser. hanapin mo na lang modem model mo sa portforward.com. setup ka ng static ip and then follow all instructions. before nagduda din ako kung router lang ba and pwede i port forward. pwede din pala kahet sa modem. now i always see a green icon on the systemtray ng torrent client ko
     



  11. Tama ka Bro Cable T.V. lang sila B4.
     
  12. Tr0w4Tr3y

    Tr0w4Tr3y Member




    He he he.. Napatawa naman ako dito..

    Topic:
    @Chitaeh
    Kung sa torrents lang ang problema mo, na try mo na ba ibang torrent downloader.?
     



  13. gumamit din ako ng iba kaso ganun din problema yung issue sa port forward

    nakita ko din sa port forward website yung Scientific Atlanta kaso iba yung model, nag-iisa lang pwede ko kayang gamitin yon sa modem ko? Yung modem ko kasi is WebSTAR-DPC2100R2 ang nandon is for WebSTAR-DPR2320.
     



  14. Yung package 1,390 yung speed is 640K + Cable TV na bro.
     



  15. dati yang ang internet namin sa bahay.. gagamitin ko sana para sa internet shop ko ayaw nila magagasgas daw masyado.. ewan kung ano yung magagasgas na yun.. kaya nag pa discon na ako dun.. okey sana yun eh..
     
  16. nomead

    nomead Member




    You cannot port forward on a Cable MODEM , this is not a router . Your Cable Internet ISP has blocked the ports and also uses transparent proxy so you cannot maximize your download speed.
     



  17. CHEETAH BROADBAND BULOK

    WAG KAYO MAGSUBSCRIBE SA CHEETAH BROADBAND. BULOK ANG SERVICE NILA. KUMUHA AKO NG 1390php NA CABLE PLUS INTERNET SERVICE NILA. 600KBPS ANG CONTRACT KO PERO 200KBPS LANG ANG BANDWIDTH TEST KO. TUMAWAG AKO NG TULONG SA KANILA AT ISANG LINGGO NA EH DI PA RIN NILA ALAM ANG PROBLEMA. NAPAKABOBO NG TECHNICIAN NILA. 3 LANG DAW KASI TECHNICIAN NILA. NAGPUNTA YUNG NGONGO NILANG SUPERVISOR AT DI KO MAINTINDIHAN YUNG GINAWA NYA. BUMILE SILA NG BANDWIDTH SA PLDT TAPOS HINATI YUNG BANDWIDTH NA YUN SA CUSTOMER NILA, NA OVERLOADED NA. CHEETAH BROADBAND BULOK.
     
  18. keith_orbit

    keith_orbit Member




    Re: CHEETAH BROADBAND BULOK



    Hindi bulok ang service nila interms of internet connection. pareho tayo ng package CB3 package din ako. at saktong sakto ang bigay na internet speed nila na 600kbps.

    kung 200kbps lang ang nakukuha mo, mag-try ka sa ibang speed test site, second opinion kung baga.

    kung pirming 200kbps lang ang nakukuha mo, ang tendency nyan ang package na na-assign sau ay CB1 maybe nagkamali ng nailagay ang Skyline sayo at sa halip na CB3 ay CB1 ang nalagay sayo.

    CB1=200kbps
    CB2=400Kbps
    CB3=600Kbps

    kung tama man ang package na bigay sayo, malamang masyado kang malayo from base station ng Skyline kaya kinakapos na yung connection speed pagdating sayo.

    Hindi talaga magagaling ang mga technician nila dyan sa Skyline, kasi nga 1st time lang sila nagkaroon ng ganyang service. siguro hindi pa sila nakakakuha ng magaling na technician dito sa Rizal.

    Pero dito sa lugar ko sa San Guillermo, Morong, Rizal. sulit na sulit ang connection ko sa Cheetah.

    ang Transfer rate ko pag nagdodownload ay 75kbps
    so 75kbps multiply by 8 is equal to 600kbps

    At napaka-stable. liban na lang pag may issue sa kanilang side. pero minsan na minsan lang magkaroon ng issue.

    Ok na ok na ito since wala pang DSL dito sa San Guillermo Morong, Rizal.

    Ok na ok rin sa pagdownload sa limewire, ma-meet mo ang connection speed mo sa limewire specially kung ang gamit mo eh Limewire Pro.

    Sa torrent naman, kung konti lang ang speed mo, ang tendency marahil, ay kokonti lang ang Host na file na naida-download mo.

    """Mas maraming Host, mas mabilis at madaling matatapos ang pagdownload mo"""
     



  19. ^Tama ka bro saken din kuha ko din max speed ko sa package na kinuha ko pag galing Ung file sa http or LimeWire sobrang Blis lalo na pag daling araw ang issue lang sakin is sa torrent pero pag madami Ung seeder kuha ko din Ung download speed ko ang difference nya sa PLDT kahit 1 or 2 seeder basta me mga peers na nka max Ung sharing kuha pa din Ung max download speed unlike sa Cheetah ang prob lang is Ung up speed or pag nagshare na ko mababa for my observation the real issue is up speed nitong service provider ko.
     



  20. WOW

    ganda ng nababasa ko d2 regarding cheetah broadband ah... pde ko ba ma ask kung anu ung inernet subscription plans nila???

    gus2 ko na kasi mag paiba ng connection

    P.S. DigiHELL connection ko... so you dont need to ask further details.. hehehe


    AT LAST !! nakahanap ako ng Uncrowded ISP !!! nyahaha sa rizal pa !!
     
                                 

Share This Page