PLDT already disconnecting service due to late payment

Discussion in 'PLDT DSL' started by posai, Nov 24, 2010.





  1. just would like to share my experience guys/gals, i was kinda shocked nung malaman na nadisconnect internet ko sa bahay, knowing that we pay naman monthly, kahapon ko lang nalaman na nalate daw ng 5 days sa pagbabayad, and they already discontinued the service, na-experience nyo na ba to? they should have more compassion for their customers, well PLDT pala to, business is business for them...
     
  2. josekym

    josekym Member




    They are probably striving to improve their cash-flow for the holidays! ;)
     
  3. AaronICK

    AaronICK Member




    Medyo naguluhan lang ako ng konti sa post mo. You said na you religiously pay your monthly PLDT bill. Pero nalaman mo lang kahapon na late ng 5 days? Bakit hindi mo alam kung kailan ang due date? Due date is explicitly mentioned in the receipt. So dapat alam mo na 5 days late na ang latest bill na binayaran mo.

    Anyways, this time, may punto ang PLDT na maputulan ka. Yung ino-notify ang subscriber about it, it's their prerogative. So kung naputol siya at sa tingin mo naman ay need mo talaga ang net, then you really have to wait for them to reconnect your DSL kung nabayaran mo na ang latest bill mo.

    Kaso nga lang, hassle yung napuputulan. May konting similarities sa na-experience ko dati. Last year, naputulan ako ng DSL kahit may telepono pa naman without any reason kung bakit. So I called PLDT and complain. Sabi hindi pa daw ako bayad. Eh lagi akong on time magbayad. Actually, mas maaga pa nga sa due date ako magbayad kasi nga ayoko ng hassle. So nag-sorry naman sila at nakita na bayad na nga ako. Ang siste, nakabit ulit ang DSL ko 2 days pa after ako nag-complain.
     



  4. pasensya na po kung magulo yung post ko, ang alam ko religiously ako nagbabayad kasi inaabot ko sa parents ko yung pambayad, hindi ako yung nagbabayad kasi ako yung tagatrabaho hehehe... hassle nga talaga sa kanila yung ikakabit na ulit yung linya, now im just awaiting a reply from my mom kung naikabit na nila, who do i burn para makapagreklamo, la wenta kung sa PLDT branch ka reklamo, sabihin sayo e dun ka magpunta sa main nila, w/c is sa makati... duh! ><

    napakalame ng service ng PLDT, how i wish merong Bayantel sa rizal ='(
     
  5. agent_agoy

    agent_agoy Member




    ang alam ko kasi tinanggal na ng pldt yung credit limit nila.
     



  6. kelan inalis? bakit walang advisory... lagi pa naman ako may iniiwang 1 month... >.<
     
  7. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    di naman fair yun na over due ng 5days eh putol agad?

    grabe naman sila... nakakatako baka ganyan gawin sa MERALCO.. wala ng 5days grace period after due date baka putol na agad

    they have to considered na not all due date fall on the same pay day.. di ba so binabalance pa yung budget sa susunod na pay day... tsskkk

    cignal nga nila pangit loading system at cust support

    buti pa dream ok ang reloading, at cust support hehehe

    pati rin sa bayantel.. parati akong over due.. tapos nakalimutan ko na 2 months unpaid.. ayun pinutulan ako.. pero sabi ko kasi sinasabay ko sa pay day.. kaya minsan nahihilo ako sa due date hehehe pero always ko naman pay.. ayun waived yung reconnection fee hehehehe

    bait naman ako eh hehehe
     
  8. jack11

    jack11 Member




    Oo grabe na yang pldt magputol kahit pa BizDSL inaasa nila sa system na palpak. Dati nga sumobra kami ng 12k kababayad dahil sa billing nilang palpak pa rin hangang ngayon. Tapos paghindi mo na settle ngayon ng full lagi yun bill mo puputulin ng system nila kahit alanganin oras na. Nangyari sakin pinutol ng 10pm kahit ang arrears lang eh 6k. Akala mo tatakbuhan samantalang yung iba nga naabot pa ng 2 month hindi pa rin pinuputulan
     
  9. pektong

    pektong Member




    ako nasampolan ako niyan... may landline plus din kasi ako sa pldt subs ko. even for a day after ng due date mo, may restriction ka na. unang restriction sa experience ko eh walang connection sa landline plus. then last thursday aba nawalan ako ng net so napilitan ako magbayad kahapon ng 3.1k dahil yun daw ang due ko kasi dun nadadaivert pag nagbukas ka ng browser. so kumuha ako ng billing statement kasi 3mos na akong hindi binibigyan ng bill. aba'y sabi ng csr nila updated ako nadelay lang ng payment. sabi ko loko pala yung pldt bilis na magputol aba'y gusto pa ng advance ang payment. tapos tinanong ko kung may chacharge sakin niya kasi kung ichacharge nila ako ng reconnection fee aba'y reklamo ko sila sa dti. sabi restricted pa lang naman yung sakin kaya walang babayaran. tapos nung andun na ako sa may cashier, parepareho kame ng reklamo nung mga nagbabayad dun. delayed lang ng isang araw psa due date putol agad ang dsl. tapos wala rin silang natatanggap ng bill. buraot na buraot ako sa pldt kung hindi lang ako paalis nung thursday tumawag ako sa dti para ireklamo yung practices ng pldt ngayon. sa monday ko nalang tawagan at nakalimutan ko kahapon. buti nakita ko tong thread na ito at talagang rereklamo ko sa dti ito.

    ang masaklap nga 3mos na akong walang bill na natatanggap. kaya minsan talagang nalalate ako dahil hindi sa lahat ng oras eh maaalala ko yan. dati after a month saka ka nila puputulan pero ngayon 1 day kang delayed sa due date mo putol agad? aba'y dapat inuna muna nila yung sistema nila sa pagpapadala ng statement bago yung ganyan. kung monthly akong nakakatanggap ng statement wala akong iaangal...
     
  10. lhoyd18

    lhoyd18 Member




    yep.. na experience ko yan buti nga sau residential eh sakin business.. and it took me like 2 weeks to have the internet back on.. It was like my worst nightmare..
     
  11. pektong

    pektong Member




    dapat reklamo sa dti yan! ang bilis magputol ng dsl at maningil samantalang pag papakabit mo katagal ibalik. nakikita ko na kung san mapupunta si pangilinan pag natigok yan!
     
  12. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    korekted by ka dyan

    how fast they disconnect .. thats how fast they should reconnect
     
  13. leolance

    leolance Member




    ako pag malapit na due date mga 3 days before
    natawag sa akin pldt kung nakapagbayad n ko, nag reremind cla lagi sa akin. sa inyo ba hindi ginagawa yon?
    natanong nyo poba sa nanay nyo kung naibayad naman yung bill nyo?
    kung 5 days lampas na sa due, wala kayo pwede reklamo, since nakalagay sa billing yung due day..
    pero nangari sakin one time tumawag pldt sa kin kung nakabayad na ko,, sabi ko walng nadating na billing sa akin,, yun nung comfirm nila, di nga napapadala billing sa akin kaya iniadjust nila ng 1 week due date ko..

    para wala hassle bayad na lang on time...
     
  14. pektong

    pektong Member




    dati tumatawag nga pero lately wala ng tawag at wala ng bill na dumadating. dati 21 ang due date ko tapos ngayon naging 16 na. ang gulo nila. all the while akala kong due date ko 21 ngayon ginawa nilang 16. kung may tawag at pinadadalang bill saken makakapagbayad ako agad pero niha niho wala...
     



  15. panget talaga service ng PLDT lalo na samin sa SUCAT area, mukhang tipid na tipid yung MANAGER dun eh kasi puro tapal lang sa problema ang ginagawa samantalang yung sa iba location eh may mga bago na ginagawang mga facility ang PLDT.
    Hindi dapat na 5days lang late yung payment eh putol agad yung ginagawa nila, eh kung ganun dapat pala na 5days lang din na magloko, masira or worst which is madalas na pg 5days na walang connection eh dapat pala may rebate naman agad sa part natin kung ganun sila maningil.
    try nyo email mga manager ng mga pldt na nasasakupan nyo para talagang maaksyunan yung mga complaint....
     
  16. sircsirc

    sircsirc Member




    yup ganyan ang pldt. tapos may reconnection fee pa yan. at 3-5 days ang reconnection. tae ang pldt talaga. kaya ako never na nalalate ng pagbayad
     
  17. Laserion

    Laserion Member




    sa amin minsan delayed dumating yung billing.. minsan expired na ng 1week saka lang matanggap yung billing statement... kaya minsan binabayaraan nadin ng maaga... nilalagay ko din yung date kung kailan ko natanggap baka kasi dinodoktor ng cartero yung petsa para mukhang ontime sila magpadala...
     
  18. lhoyd18

    lhoyd18 Member




    last time di ako nakatanggap ng bill.. tapos un na disconnect na kaagad.. ampupu.. mga 2 weeks pa bumalik ung net malas kasi undas un walang office.. panay lang sabi ongoing na daw ung restoration eh halos 1 week na wla pang DSL..
     
  19. Jairus24

    Jairus24 Member




    na trauma narin ako dyan sa reconnection, inabot pa ng 3 days bago ibalik yung DSL service >.<
     



  20. why wait for the physical copy of ur statement of account when you can view it online... they even send email notification on how much and when its due.

    https://www.pldt.com.ph/consumerbillsonline/

    be responsible you know u have a monthly obligation when u subscribe to their service...
     
                                 

Share This Page