original os

Discussion in 'Internet cafe business' started by khrizael06, Mar 9, 2008.





  1. came from my friend nagkaron ng raid, optical media board nagraid isang i cafe 20 pc kinuha pati monitor dahil walang original n os. pano po yun? mahal ang isang original n os.. what should we do para hindi ma raid yung i-cafe?
  2. klyster

    klyster Member




    Use legit ones, or resort to open source such as Linux.
  3. KennethM

    KennethM Guest




    I agree, wala ka nang ibang alternative kundi gumamit nang open-source programs such as Linux. Otherwise, mahihirapan naman ang ibang users since familiar sila sa Windows OS, better get a volume license at authorized Microsoft dealers.
  4. pmcastillo

    pmcastillo Member




    Arrrrrrgggggg! Hard to accept the fact na mahal talaga ang Windows XP.... T_T Kung hindi mahal eto, hindi na sana tayo aabot sa confiscation... Well kung hindi karin maka-kuha ng legit ones... resort ka talaga sa Linux...

    BTW, anong type ng shop meron ka? For gaming? For Internet/Office use?
  5. angkornymo

    angkornymo Member




    ganun talaga na sayo yan isipin mo na lng mas malaking abala pag na-raid ka.
  6. czerwin2k7

    czerwin2k7 Member




    hehehe Learn how to use linux na lng^_^ hehehe in my case im starting gatting to it na, konting explanation lng naman sa customers un,

    first of all nde naman ginagamit ng customer lahat ng feature ng Windows xp,

    what do customer want? un lng ung makapag internet and games, edit thier friendster and typing in microsoft Office word, kung internet lng pwede na ang linux, typing ok din, in games nde ko pa masyado na explore, DOTA pa lng naka install sakin d2 sa linux ko^_^ hehehe i dont know about OL games, nakita ko ung RAN at WOW pwede na ata run d2 sa LINUX, so try to explore and learn^_^ hehehe

    MAY 3D desktop pa astig^_^

    hehehe ngaun ung YM nde ko pa mapagana ng maayos, pero merun din siang katumbas na Messenger d2 sa linux na u can also use your Yahoo Messenger account and ID's, d nga lng pwede pang gumamit ng cam or mag view ng cam, hehehe

    and about sa Timer naman gumagana handy cafe sa linux, kya lng ung client nia medyo nagloloko, kaya nde ko pa inaaply d2,

    sa networking naman nia, pwede naman share at makita ang windows networks sa network nia, pwede rin mag share ng files and folders, pero may problema pa ako sa pag share kc nde ko pa alam kung san ung config d2 sa linux para ma permit ung windows client na mag open ng share folder d2 sa linux^_^

    basta marami pa akong gustong matutunan and eto na tatry ko na rin sia sa customer, pero 1 client pa lng,

    GOODLUCK na lng^_^
  7. raldz

    raldz Member




    noong nasa Pinas pa ako, I think 2005 ng magsimula yang mga raid na yan.. ang ginawa ko, I used OpenSUSE and Ubuntu sa PCs sa internet cafe namin.. naka survive ng 1 month ang shop namin na puro Linux, kasi kami lang ang open lahat ng shop close.. mas mahirap that time dahil hindi pa ganun kadali gamitin ang Linux... pero ngayon, ewan ko lang, nasa US na ako now, my son's laptop is running Linux, my nephew's desktop is running Linux (kasi Linux na ang gamit nila sa school).. and my wife's computer is also running Linux... actually, ako lang sa bahay ang gumagamit ng Windows and Linux sa laptop dahil kailangan ko ang Windows for research purposes (I'm an I.T. at Sony VAIO Computers)...

    so far, sa naobserbahan ko dito sa US, mas pinipilit ng marami na mag migrate to Linux keysa mag migrate from XP to Vista... I think it's about time that Pinoys should also learn and accept opensource... mahirap na bansa na nga tayo, pipilitin pa natin gumamit ng OS na mas mahal pa sa mismong computer (Vista Ultimate)..

    [​IMG]
  8. tagabukid

    tagabukid Member




    oi c tito raldz bumisita. ehehehe....

    1 lang talaga ang hinihintay ko. linux version ng ym. kung meron nun, pwd ko na iconvert ang mga pc ko na walang games to linux. T_T
  9. TESTICLES

    TESTICLES Member





    In Cebu, lahat ng Internet Cafes Business Center have original Windows operating systems and Linux distros.


    The best thing you should do is obviously buy a legit Windows operating operating systems. And yes, it costs big but if you cant afford, use Linux which is free. Anyway, Linux is getting great and friendlier user now.
  10. paulnaj6

    paulnaj6 Member




    Oh?

    Di nyo nakikita totoong sitwasyon dito sa pinas?

    May shop ka, sa lugar mo may ka compitensya ka ndi mawawala yon.

    Takot ka na ma-raid so bibili ka ng winXP na orig worth 4k minimum.

    Eh ung ka compitensya mong shop? Bibili rin ba sya? Sa tingin nyo kung lahat ng internet cafe gumagamit ng original OS ang range ng price is php 15 / hour?

    Dito samin ang range php 15 / hour. Lugi kmi dito. Pag anjan na mga mag-reraid tatakpan lang nila ng manila paper ung shop nila for 1 day bukas ayos na ulit. Tapos masasabi ko pang kmi na ang may pinaka-matinong pc dito. Lahat Bulok.

    Dito sa pinas kanya-kanyang diskarte nlng yan. Pababaan ng price pero kung ano anong anomalya naman ginagawa. Ngayon php 12/ hour nalang sila. Kami nalang ang php 15/ hour. Grabe dito sa lugar na to may butas ata papunta impyerno 80% ng tao kundi mamamatay tao / magnanakaw / manggagancho / tarantado. :lol: Patigasan e.



  11. try kong nagbrowse ng linux, parang mahihirapan ata akong i use ang linux... :( hayyy... naku.. hirap kitain ang pera.. kailangan talga mapag aralan mo lahat para mabuhay ka sa mundong ibabaw :roll:
  12. czerwin2k7

    czerwin2k7 Member




    buti nga dyan 12php/hr eh, d2 samin 10php/hr na nga eh, pero ako 15php pa rin, hehehe basta nde ako mag bababa sa minimum, luge na nga sa 15php/hr eh, buti na lng amin pa tong place so nde ako nag babayad ng rent,

    hehe, oo pero siguro naman hindi aabot ng 500 unit sila^^, kung malapit ka naman sa school papasukin ka tlga kahit umpukan kaung mga computer shop don, so kahit 12php/ hr lng sila mapupuno rin un, and kung umapaw na, sau rin punta nun,

    @paulnaj6
    ang maganda pa don eh magaganda specs ng units mo compared sa iba, pero kung magbababa sila hanggang 5php/hr^_^ bahala sila maluge hehehe, or kahit 10php/hr cguro dapat ka rin gumawa ng action,

    lalo na kung gumagamit ka ng OS na orig and games and apps na orig, pati biz license mo renewed tapos sila hindi, umalma ka na^_^ hehehe
    tapos 10php/hr or 12php/hr lng sila,

    pero kung ok lng sau at kumikita ka naman ng maayos yaan mo na sila, batas na ang huhusga^_^ hehehehe
  13. pmcastillo

    pmcastillo Member




    Grabeh na pala ang mga computer shops ngayon... naalala ko noon mga 1990s usually ang internet cafe mga 50 per hour...
  14. stanelope

    stanelope Member




    ano pa kaya madaling pagkakitaan.. nakakatakot na mamuhay ngayon. kahit anong tyaga konti lang maani mo di tulad ng ibang mayayaman konti kurakot laki na kita nila.
  15. bongski_72

    bongski_72 Member




    bayaan mo na yung mayayaman stanelope. concentrate ka lang sa alaga mo na shop.

    kailangan talaga ng original OS. hindi naman siguro kailangan biglain kung hindi kaya ng maramihan. kahit paisa isa lang yan, after one year baka nakumpleto mo na yung kailangan mo. sa shop namin ang diskarte ko e original OS, tapos open source na yung ibang gagamitin. since school work kami, wala masyado problema. linux e OK din naman. problema hindi familiar mga bata sa linux. ewan ko ba sa mga school natin bakit ayaw introduce ang linux. baka takot din sa linux mga IT instructors natin. subukan nila mag switch, mas magiging main stream ang linux sa pilipinas.

    saka nga pala hindi lang OS ang dapat original. kung gamit ka ng MS office, bili ka din ng original ms office. kung mag games ka, bili ka din ng original copy ng game. so mas practical yung mga Online games para sa gaming shops. pwera lang kung may budget.

    yep, si raldz malupit nung 2005. dami ko din na pick up sa mga tutorial niya. mahirap nga noon kasi wala masyado gumagamit . puro research ginawa ko. bayanihan linux pa mga gamit ko dati. maganda explore natin ang linux, sana nga ma port ang games sa linux. umandar lang ang games, o kaya gumawa ng linux version ang mga game makers mas bibilis sisikat to e.



  16. buti pa kayo pamilyar sa linux :(
    ..sana magkaron ng tutorial re linux here para lahat na makagamit nyan para walang worid about ORIGINAL , raid..etc..
  17. bongski_72

    bongski_72 Member




    ako rin nagtataka don sa masyado mababa ang pricing, i'm not really concerned, minsan nakakapagtaka lang kung pano nila nakaya yung ganon halaga. sa shop competitive kami sa pricing, although mahal kami ng konti. buti na rin lang sa amin yung pwesto, pero wala ako balak bumaba pa sa P15. pansinin niyo rin, yung masyado magbaba hindi nagtatagal ng mahigit sa 2 years. meron man madalang. hindi yata kasama sa pricing nila yung masisirang mga gamit saka yung kailangan upgrading ng mga units.
  18. paulnaj6

    paulnaj6 Member




    Kami rin wala na balak mag baba ng price. Pero meron kaming promo na seasonal ba like play 5 hours for php 60, minsan lang un halimbawa pag walang pasok mga kids summer.

    Tama ka bongs pero hindi na kataka-taka un kasi bulok pc + pirated OS + slow dsl speed pwede talaga sila mag baba ng todo. Pero para sakin NEBBERRR!! Ang pinang tatapat lang tlga nila is ung mababang presyo nila sa maganda mong shop, ayun ang isang dahilan kaya bumababa price sa mga internet shop. Kung tutuusin nga dapat php 20 - 30 ang range kasi basic need na ng mga tao ang internet at computer nowadays. Hindi naman sa nagiging greedy pero ganun talaga dapat ang price kung susumahin mo talaga then kung parepareho computer at price ng mga shop mag kakatalo nlng sila sa serbisyo sa mga clients. Mas challenging un. Hindi ung tatapatan ka ng mababang price.

    Customer : koya bkt d2 15 dun sa kbila 12 lang?
    Me: Try mo sa kabila tapos balik ka rito try mo rin :wink:

    @Sir stanlope moderate your greed? Hehehe Mga mayaman na kurakot lang ang inaatupag.
    EDIT: Sir may alam ako pano mabilis kumita! Apply ka kay PGMA! para mabahagian ka ng grasya! Hehe Kahit siguro taga type ng malacanang may nakukuha o kahit ung sekyu dun. May alam sila lahat eh. haha
  19. czerwin2k7

    czerwin2k7 Member




    merun nga ako napasukan isang shop eh, daming units almost 20+ ata, and malapit sa school, bago pa ko pumasok nakita ko agad sa pinto nila ung sign ng Microsoft na"This Establishment is Using a Genuine Microsoft Products" hehehe ayos to ah, tapos nung vinalidate ko sa microsoft ung nirent kong unit, "You did not pass the Microsoft Software Validation"
    wahihihi Aztig, nakakaingit nga ung shop na un eh potek punuan, ^_^
  20. raldz

    raldz Member

                                 

Share This Page