Mga multo at kwentong katatakutan

Discussion in 'Chat Lounge / Im Bored' started by tanga_ako, Aug 18, 2009.


  1. tanga_ako

    tanga_ako Member




    Hey mga kas PDSLers share kayo ng mga ghost pictures nyo or mga kwentong katatakutan or video basta tungkol sa multo. Wag photoshop effect ah.... Wala ako maishashare kayo nalang.
     
  2. AaronICK

    AaronICK Member




    Alam ko, nag-post na ako dati dito nung picture. Pero hindi ko alam kung dito or sa TPC.

    Pero anyways, sige post ko na lang ulit.

    [​IMG]
     
  3. klyster

    klyster Member




    Si gabby nagpakita...
     
  4. tanga_ako

    tanga_ako Member




    Is that a doll? Hmmmmmm awesome dude.... sino ung nagpakita?
     
  5. pektong

    pektong Member




    parang manika na inulingan eh ehehe...
     
  6. Poochini31

    Poochini31 Member




    @AaronICK
    Dito po napost nyo din po Yan.. isa pa nga po ako dun sa "Paranormal Experts" weh.. Toinks..

    ---

    Year 2007 o 2008 Yata.. Nagsimbang Gabi kami.. Choir ako nun.. 4:00am ang Simbang Gabi sa amin.. So ang giinawa ko Sinama ko Pagkatapos ng Simbang Gabi Diretso na ako sa Skul ko nun (wala pang 1kilometer sa Simbahan)... Bukas na ang Pinto nun kasi mga 4:45am na nun.. Inilapag ko yung Gamit ko sa Elementary Department.. Then Kasi nga ako palang tao nun.. Naglibot Libot muna ako sa Buong Skul.. Pumunta ako sa High Skul Department.. magkakaharap yung mga Rooms nun.. Sige 12 na magkakaharap na rooms.. 24 Rooms in Total.. di Pa Kasama yung simula Faculty hanggang T.L.E Cooking Room.

    Nung nasa Gate na ako ng High Skul Dep. tingin ako sa Kaliwa muna.. Baka may Teacher.. Then nung pagkatingin ko papuntang Main Entrance kung saan makikita mo yung pagkaharap ng mga Rooms.. May parang Puting ewan na parang tumakbo papunta sa Loob.. Sinundan ko sya.. Then nung nakita ko na yung mga Harapan ng Rooms.. sa Library ko ulit nakita yung White na ewan na yun.. Yung Library namin kaharap lang ng office na nasa First Room lang.. Tinignan ko kung Meron bang tao sa Library.. Then nung sumilip ako parang gusto ko nang tumakbo. Nakita ko yung parang Puting Tela na parang hugis tao na papalapit sa Pintuan kung nasaan ako.. Mga 30 Steps yung Pagitan namin.. So nung naka 28 Steps nalang yung pagitan namin, Tumakbo na ako palabas.. Edi nasa Gate Ulit ako.. Pagkakita ko dun sa Kaliwa nandun yung Telang parang Babae.. parang yung nagtatago sya the lilitaw sa kabilang Pinto ng Room.. Takbo na ako nun Palabas.. Then nung may nakita na akong Mga Skul Mate ko na COCC na in charge sa pagbubukasng Ilaw.. Tumingin ako sa Hgh Skul Department.. Nakita ko yung Telang Puti na parang babae na Kumakaway sakin, Pikot mata ko muna for 15 Seconds.. Then Wala na.. Binuksan na nila yung Ilaw..
     
  7. AaronICK

    AaronICK Member




    Dun sa mga hindi nakabasa nung dati kong post about that pic...

    March 2008 po yan. Binyag ng pamangkin ko at may handaan sa terrace namin.

    Nung gabi, mga barkada na lang nung nanay nung bata ang andun. Nag-iinuman sila. Tapos, picture-picture. Then nakauwi na sa bahay yung mga barkada.

    Nung nag-scan yung kaibigan niya at ni-review yung mga pics, napansin na niya yung maliit na batang yun na lumabas. Kinabahan daw siya pero tumawag muna sa amin para i-confirm kung may nakatirang ganung bata sa amin.

    In-email nung kaibigan ng kapatid ko yung picture. Nung makita namin, lahat kami dito nagtaasan ang mga balahibo sa katawan. Walang nakatirang ganung bata sa amin.

    We send that pic to two psychics. Yung isa, ang sabi, pabayaan lang daw kasi naligaw lang daw yun sa bahay namin at hindi talaga dun nananahan. Yung second one naman, pa-bless daw namin yung bahay kasi dark elemental daw yung lumabas. Lalo tuloy kaming natakot. Before that kasi, marami na talaga kaming nararanasang kababalaghan sa bahay. And we feel na yung nagpakita sa pic is talagang nakatira sa bahay namin. Dati kasing sementeryo yung lugar namin nung unang panahon.

    They even describe us the girl. Nakapang-sagala siyang damit kung papansinin niyo. Walang reflection yung bata sa salamin namin na lamesa, unlike yung mga barkada ng kapatid ko na kitang kita ang mga pagmumukha sa salamin ng lamesa.
     
  8. klyster

    klyster Member




    Hi Aaronick, I reviewed the pic for the second time... Hindi lang sya ang nandyan...

    Yung batang nasa gitna ay for sure isang black elemental. the kid is a boy, hindi sya babae. Anyway the one on the left side, near the tree, is another spirit. This is the father of the kid, and I also sense great pain on both spirits. We have other spirits around...

    A good prayer will apeace this spirits.
     
  9. AaronICK

    AaronICK Member




    @klyster

    Putek naman! Ang tagal na niyang pic na yan. Hindi na ako natatakot ngayon. Tapos may bago kang interpretation, lahat ng takot ko bumalik!!!

    Hhuhuhu. Ni hindi nga namin napansin yung isa pa na nakita mo. At ayoko nang alamin kung nasan...
     
  10. klyster

    klyster Member




    I've been a paranormal enthusiast since high school. Madali ko kasi makita ang irregularities sa pics eh, mas lalo na kung paranormal na ang pinag-usapan, I can really sense the pain between them. How old is Gabby now?
     
  11. AaronICK

    AaronICK Member




    1 year and 7 or 8 months old na. Bakit?
     
  12. klyster

    klyster Member




    Okay, maayos naman yung bata? I mean the health, hindi ba sakitin or something, rashes, or anything...
     
  13. AaronICK

    AaronICK Member




    Hindi naman. In fact, ang bibo-bibo sa edad niya. Ang harot-harot pa. Minsan lagnat. Pero lagnat dahil sa tinutubuan ng ngipin. Saka babae po si Gaby. ^_^
     
  14. klyster

    klyster Member




    That will be great, tama hinala ko lalaki talaga yung mumu na bata. The negative force repelled by the positive force...

    Anyway bro, nandyan lang yung bata sa paligid, might be katabi mo... Joke :)
     
  15. kwiki

    kwiki Member




    nagtayuan balahibo ko...
     
  16. tanga_ako

    tanga_ako Member




    well the thing on the tree looks like group of leaves.

    Ok my turn pero not my experience pero accounts ng mga pamangkin ko na bata. Yong isa ko pamangkin na babae shes 6 years old that time. Isang tanghali sa may bahay nila may nakita syang nakaitim na babae sa may gate nila may kasamang bata nakatingin sa kanya di sya natakot kasi di pinamulat ng ate ko ang mga multo sa kanila as panakot so akala lang nya tao sa labas. Tinawag nya ate ko wala naman. Tinawag nya ung kapatid nya na babae din 5years old that time nakita nung kapatid nya ung babae na nakaitim. Sabi ng pamangkin ko nakikita daw nya ung mag ina tuwing tanghali umaaligid sa bahay nila. Isang gabi nakita ng pamangkin ko sa room nila makatayo ung mag ina sa pinto binabantayan sila pero walang nakikita ung ate ko nagkasakit ung pamangkin ko after a few days takot na takot parati. Nasa abroad kasi bayaw ko kaya inutusan ako ng mother ko na samahan sila kahit isang gabi. Ramdam ko sa pamangkin ko takot na takot sya kasi grabe higpit ng yakap nya sa akin pero ung kapatid nya himbing ang 2log. Isang taon ding ganun sya nakikita nya ung mag ina naglalakad sa kung saan sa bahay nila. Sa awa ng diyos wala na daw sya nakikita.

    E2 isa pa pamangkin ko din na lalaki 3years old sya nun sa bahay ng kuya ko sa Antipolo bumisita sila ng ate ko. Ayon sa kwento nung wicked na asawa nya "dati" may dwende daw dun pero hindi naniniwala ang kuya ko naniwala lang sya nung nakita ng pamangkin kung lalaki ung dwende sa may hagdan nila kumakaway sa kanya. Sinabi ng pamagkin ko dahil madaldal sya may bata daw sa hagdan.

    Ewan may mga 3rd eye ata sila.
     
  17. klyster

    klyster Member




    Ako din...

    Nangyari to nung elementary ako... Grade six to be exact...
    Ugali ko kasi na magising ng maaga, 4:30 am, dahil takot akong malate. One time gumising ako, at napatingin sa puno malapit sa room ko, may napansin akong lalaking nakabarong na nakatayo sa ilalim ng puno. Ako naman tuloy lang sa lakad papunta sa main na bahay namin para maligo. Akala ko antok lang yun, pero pagbalik ko nandun parin at nakatingin sa akin. At akmang sumusunod sa akin papunta sa kwarto ko... Nagdasal ako, tapos di na naulit ang pangyayari...
     
  18. angkornymo

    angkornymo Member




    yung bata pag titignan mo ulo hanggang balikat lang.
     
  19. Warlock1981

    Warlock1981 Member




    haha, meron nga ^_^

    ako naman...

    ewan ko ba kung bakit nangyayari to...

    last year nag text sakin ang isa sa mga student ng AMA, Practical nursing student siya.

    Gusto ng papa niya na reformat ang PC nila kasi nga di nrmal ang takbo ng pc at marami silang gagawing ID

    Nung diagnose ko na ang PC, tadtad ng virus, tpos ask ko sila kung meron pang e backup na mga file.

    8pm na ako pumunta nun sa kanila at 2 hours bago natapos ang back up, therefore umabot ako ng 12 midnight sa pag ayos ng pc nila.

    After maayos ko na ang PC, nilagay ko na ulit mga backup file, so they decided na dun na lang ako matutulog after ko mabalik mga backup files.

    Nung matulog ako around 2:30am na, habang natutulog ako, bigla na lang may humila sa paa ko, pero nung bumangon ako wala namang tao.

    Natulog na ako ulit, tpos nagising nanaman ako, kasi may tubig na bumuhos sa mukha ko, as in tubig tlga, di naman umuulan, so walang tulo sa kisami.

    natulog ako ulit, may kumalabit sa noo ko, bumangon nanaman ako, sabi ko sa sarili ko, parang ayaw yata ako patutulugin d2.

    so di na ako natulog hanngang sa magising na rin sila, di ko na sinabi ung experience after mag breakfast.

    After two months tinext ulit ako, pwede ba raw ako mag encode sa ID kasi nagkasakit daw yung encoder nila although tapos na ang layout ng ID.

    Nung una pinag isipan ko kung kukunin ko yung offer kasi nga baka abutin ng gabi at meron nanaman magparamdam sakin at ayaw ako patulugin.

    Nung nag encode na ako, inabot nga ng gabi.

    at exactly 1:30 am napagod ako sa pag encode, so nag decide ako na mag rest muna.

    nung mag encode na sana ako ulit, pag tingin ko sa monitor, may SPANISH name na na encode bold at capitalize lahat, nagulat ako, wala namang name na ganun sa mga encode ko, then later on biglang gumalaw yung mouse, as in natakot tlga ako..

    di na ako nakatulog, kwento ko sa kanila yung nangyari..

    sabi nila, dati pala yang lugar nila ay tapunan ng mga bangkay..

    sa ngayon pag pina papunta nila ako sa house nila at merong ipapaayos sa pc nila, di na ako nag papa gabi o matulog tlga dun..
     
  20. tanga_ako

    tanga_ako Member




    @Warlock

    parang ayaw sa iyo ng bantay nila dun sa bahay huh? Nakakatakot nga un pero grabe ka nakayanan mo un ako uuwi nalang ako if ganun.. Im so chicken talaga. Pero di nga ganung mga experience geez kakatakot nga.
     
                                 

Share This Page