Manila City Hall location, and how to get there

Discussion in 'Chat Lounge / Im Bored' started by carlo_scute, Mar 27, 2009.


  1. carlo_scute

    carlo_scute Member




    Good day to all. Ask ko lang kung saan located ang Manila City Hall,
    and paano makarating doon from Cubao (Gateway mall), and from Quezon Avenue (Pantranco) via jeep, or bus, or train
    Thanks.

    Kunin lang namin ni misis yung birth cert. ni baby.
     
  2. AaronICK

    AaronICK Member




    Kung Gateway ka galing. Sakay ka jeep na pa-Kalaw, pa-Baclaran, pa-Mabini.

    Kung galing ka Pantranco, ganun din, saka ka jeep pa-Kalaw, pa-Baclaran, pa-Mabini. Lahat yan dadaan papuntang Manila City Hall.
     
  3. genexide

    genexide Member




    from gateway sakay ka ng jeep papuntang PGH..
     
  4. czerwin2k7

    czerwin2k7 Member




    try to visit google earth para ma familiarize ka sa mga daanan^_^ pag may gusto ako puntahan at hindi ko alam kung saan daanan dun lng ako sumisilip^_^
     
  5. carlo_scute

    carlo_scute Member




    thanks sa lahat ng rum-esponde..

    (mayrun bang way na sasakay kame ng lrt sa cubao,then may bababaan na malapit na sa city hall; or kaya sasakay ng isang jeep from station)
    para aircon hehe'
     
  6. AaronICK

    AaronICK Member




    Sa Farmers, sakay ka MRT hanggang dulo (EDSA-TAFT station).

    May connecting mall dun, yung METROPOINT

    Lakad ka at hanapin mo yung papuntang LRT naman. Sakay ka naman ng LRT at ang baba mo ay ang CENTRAL STATION. Then walk ka na lang ng konti, City hall na.
     
  7. kwiki

    kwiki Member




    Ito pinaka mabilis na way from gateway..

    Sakay ka ng Train papuntang recto then sa tapat ng isitan merong byaheng pa manila city hall (don't forget to tell the driver na ibaba kayo sa babaan papuntang city hall) na.

    Pamasahe:
    14 sa MRT (cubao to recto) mga 10 - 12 mins ang byahe.
    7 pesos from Isetan Recto to Manila City Hall mga 10 mins ang byahe pag walang traffic.

    After nyo mag punta sa city hall palamig narin kayo ni misis sa SM Manila. hehe
     
  8. carlo_scute

    carlo_scute Member




    kwiki, anung station yung babaan sa sm manila?
     
  9. kwiki

    kwiki Member




    no bro.. from gateway you take MRT going to recto station from there labas kayo dun punta kayo sa may isetan recto sa left side ng facade ng building ay merong mga sasakyan na byaheng city hall like taft pgh tapos pababa kayo sa driver sa babaan papuntang city hall from there take the underpass meron naman signage dun kung saan ang papuntang city hall. From manila city hall siguro a ilang lakaran lang ay nasa sm manila na kayo. Bro ingat sa fixers sa city hall madami dun. Kung magtatanong kayo ay sa mga naka uniform wag sa mga naka civilian.
     
  10. cybrzn

    cybrzn Member




    dudugtungan ko lang yung sinabi ni sir kwiki, from recto mrt station pde ka rin sakay lrt sa doroteo jose (connected na rin jan ang mrt at lrt) tapos baba kyo central station, going to baclaran sakyan nyo lrt
     
  11. carlo_scute

    carlo_scute Member




    malinaw na, dami ko palang options
     
  12. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    or pwede kang bumaba sa Legarda Stations ng LRT.. tapos hanap ka Jeep na papuntang SM Manila.. from there.. harap nun City Hall na hehehehe

    :)
     
  13. kwiki

    kwiki Member




    Di ko alam to ha.. san banda to master D? meron akong alam sakayan na sa tapat na ng sm manila ang baba kaso sa may Baste church na malapit yun.
     
  14. riquiam

    riquiam Member




    add ko din, along Legarda, meron din dumadaang bus dyan na aircon (G Liner) dadaan yan ng city hall, para di kayo pawisan sa byahe lalo tag-init ngayon. magtanong lang kayo sa conductor.
     
  15. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    yup tama si Riquiam

    @kwiki...

    yung mga papuntang Sta mesa yata or Mediola Lang hehehehe

    hindi sila sa Baste dadaan sa may San Miguel mismo hehehe
     
  16. KennethM

    KennethM Guest




    Marami kang options bro.
    #1. MRT3 (Cubao to Edsa Stn.) - LRT1 (Edsa to Central Stn.)
    #2. LRT2 (Gateway / Araneta to Recto Stn.) - LRT1 (Doroteo Jose to Central Stn.)
    #3. Bus (Usually dumadaan sila sa Manila City Hall, pero sabihin mong bababa ka dun - tanong ka na lang sa konduktor.)
    #4. Jeep (Basta biyaheng Taft, mostly dadaan nang Manila City Hall... And same na lang din gawin mo, magsabi ka na lang sa driver.)

    Take note: Kung pinili mo option # 1 or #2, walking distance na ang Manila City Hall from dun... Same side siya with SM.

    ~ Late post. hehe... :)
     
  17. carlo_scute

    carlo_scute Member




    dami nga options..thanks!
     
  18. HiTaChiE

    HiTaChiE Member




    sa susunod kami naman ang magtatanong sa iyo, "paano pumunta sa bahay ni carlo" para naman mag pamiryenda ka hehehehehe....
     



  19. Hi ask ko lang from antipolo kc ako pano ppntang manila city hall ??
     
                                 

Share This Page