Gamot sa Pasmadong Kamay(Namamawis)

Discussion in 'Chat Lounge / Im Bored' started by junkheart, Jun 7, 2010.


  1. junkheart

    junkheart Member




    Ask ko lang ano ba maisugest nyo?..
  2. nabuto

    nabuto Member




    sabi ni dr. belo, meron silang ginagawa dyan. meron silang iniinject sa palad para mabawasan ang pagpapawis.
  3. junkheart

    junkheart Member




    ah. meron bang alternative?.. ung hindi gagastos ng malaki.. hehe
  4. nabuto

    nabuto Member




    wala e. yun pa lang ang nalaman kong solusyon sa pasmadong kamay.
  5. AaronICK

    AaronICK Member




    May tanong lang po ako. Ang tawas kasi, di ba ginagamit sa kili-kili hindi lang para maalis ang putok kundi mabawasan ang pagpapawis. Yung ginagamit, tawas na durog.

    What about tawas na buo, yung parang bato pa. Epektib kaya yun? Same din ba ng effect sa tawas na durog? Saka kung ikikiskis mo sa area na kailangan siya, like yung nagpapawis, epektib kaya?

    Patawarin niyo po ako kung maimbento ako ha. Nag-a-assume lang kasi na pareho ang effect ng durog na tawas sa tawas na buo.
  6. sa-joedy

    sa-joedy Member




    ayun sa lolo at lola ko, ihi ang katapat do it regularly( ihian mo kamay mo wahehehe^^)
    yun walang gastos..
  7. AaronICK

    AaronICK Member




    Pamahiin lang ba yan? May scientific basis ba yan?
  8. junkheart

    junkheart Member




    @ sir Aaronick & sa-joedy

    matry nga yan.. di ako gagastos ng malaki jan..hehe tnx
  9. rhoelcruz

    rhoelcruz Member




    sabi ng iba ibabad ang kamay sa maligamgam na tubig na may asin

    sa tawas. para sakin pareho lang ung durog my kumukaskos na parang buhangin sa kilikili pero mas madami natitira kesa buo babasain tsaka ipapahid hehehe.

    baka epectibo din sa kamay kasi bawas ung pawis sa kili-kili kasi tutulo agad ung pawis hehehe
  10. sa-joedy

    sa-joedy Member




    wel, hindi ko naranasan kc hindi pasmado kamay ko. natawa lang ako sa kwento at muka namang totoo, kc hindi lang sa lolo at lola ko narinig. maski sa ibang tao.

    try lang ni ts- junkheart, kc walang gastos ^^
  11. angkornymo

    angkornymo Member




    nung bata nagpapawis ang paa ko sobrang baho pag tinanggal ang sapatos ko noon ang ginawa ng nanay ko kumuha ng tawas at maiinit na tubig at nilubog ko ang paa ko dun naging ok naman hindi na siya nagpapawis.
  12. alucardver

    alucardver Member




    the reason why "ihi" ang sinasugest ng mga matatanda dati, kasi yung IHI di ba eh mainit init? siguro nga epektib yun, kasi yung mga matatanda rin samin ganyan ang suhestyon eh.


    eto po ang pansariling payo ko...

    Iwasan mo po magbasa ng kamay matapos mong mag bati ng itlog, mamalantsya, at humimas ng alagang mong aso. lalong lalo na po kung galing ka sa bahay ng GF mo. hahaha
  13. keviNyU

    keviNyU Member




    try nyo pong xxx tapos ipahid mo yung t**** sa mga kamay mo ^_^ heheheh, pag di tatalab tawas, roll-on mo nalang joke hehehehe




    post edited by:

    ~dyoddyowel

    warning given due to profanity...
  14. keith_orbit

    keith_orbit Member




    ako pawisin paa at kamay. methods i used:

    ihian ang paa at kamay: nagawa ko na, wa-epek.

    magbabad sa dagat alat: wa-epek rin.

    tawas? hindi ko pa nagagawa.

    FACT: pawisin na kamay at paa ko since birth.
    fact: kapag nakasapatos ako kahit 24 hours hindi mabaho paa ko, except naka-tsinelas at pinagpawisan tsaka sya mabaho.

    pag excited ako namamawis kamay at paa ko like may bago akong gamit.

    minsan sinisisi ko itong karamdamang ito, kasi dyahe lalo na sa aking paa at naka-tsinelas ako.

    pero tinangap ko na rin.

    nagsusuot na lang ako ng socks then tsinelas para lang maka-iwas kahit papano sa pawis ng paa. kapag nagdrive ako ng sasakyan, nag-gwantes pa ako kasi dumudulas manibela.

    yung mga alternatibong paraan wala talaga yata effect sa since birth na karamdamang pawising paa't kamay.

    pero para sa mga nagdedeodorant lalo na sa kili kili. ang pinaka-effective sa akin is:

    KATIALIS: available sa Mercury Drug. kumuhit lang ng konti at ipahid sa kili kili tangal agad yan promise.

    kahit pagpawisan ng husto kili kili mo, hindi naman mabaho!
  15. alucardver

    alucardver Member




    KATIALIS di ba para sa acne yun?
    sa mga paang nagpapawis, bili ka ng athletes foot powder.
    sa kili kili naman, mas preferred ko ang stick kesa sa roll-on. Endurance ang gamit ko.

    kung mabaho naman ang paa mo, much better na gumamit ka ng alchol before ka mag suot ng socks. patuyuin ang alcohol then tsk ka gumamit ng foot powder. 100% effective tanggal ang mabahong amoy ng paa. heheh
    ugaliin din mag linis ng kuko lalo na yung mga singit singit ng kuko, kasi dyan kadalasan nanggagaling ang masansang na amoy.(fungi) hindi lang sa singit singit ng daliri.

    sa kamay naman, para hindi magpawis, dati ginawa ko, yung borax... yun lang... before mo gawin yun, mag alcohol ka muna, patuyuin tapos tsk mo isawsaw yung kamay mo sa borax. pag nakita mong okay na yung kamay mo, itigil mo na yun borax kasi baka masobrahan ka, magdry naman yung kamay mo. yung panginginig ng kamay dulot ng pasma, e di ko na alam kung paano yan. hehehe. yun ihi try mo. hahahha
  16. keith_orbit

    keith_orbit Member




    KATIALIS - hindi lang yan pang-acne
    pwede rin talaga yan sa kili kili. kahit sa mabahong paa pwede rin. Fungi, had-had at kung ano pang common skin problems.

    kaso hindi ko sya ginagamit sa paa, pagkapaligo punasan lang ng maigi ang paa pag magsasapatos para hindi bumaho.
  17. donetus

    donetus Member




    here's a home remedy .. dip your hands (or your feet) in warm water with salt ..
  18. sa-joedy

    sa-joedy Member




    sabay inom, lalong effective ^^
  19. dyoddyowel

    dyoddyowel Member




    warning given to keviNyU...


    @ topic

    meron akong nabasa dati about driclor... ipapahid mo sa affected areas...

    available daw sa mercury drug...
  20. sa-joedy

    sa-joedy Member




    ayun sa ibang experto, walang gamot dahilang namamana ang sakit na to. but i agree to dr.belo iniinjectionan sa ganung paraan napipigilan nito ang sobrang pagpapawis.
                                 

Share This Page