Cisco CCNA, Linux Bootcamp

Discussion in 'IT Worx & Services' started by mnetsolutions, Sep 28, 2010.





  1. ^ meron yata sa holy child
     



  2. Good afternoon.

    No offense sa lahat. Gusto ko lang mag-share ng opinion ko.

    Nag-training ako sa Mnet IT. Magaling ang instructor. Pero para sa akin, yung 5-days ay kulang. Kasi hindi ko lahat nai-intindihan. Or hindi ko lahat na absorb. Kasi first time kong
    ma-encounter ang mga ibang topics. Yung subnetting palang, kahit ilang beses na akong nag-basa ng ganitong topic, hindi ko parin makuha maayos ang ibang pinasagot sa amin.

    I think kung mag-a-attend ang isang tao dito sa training na ito. Ay naka-pag-study na siya ng 4 modules. Yung pina-pa-study sa mga universities na 4 semesters ba yon, na para sa CCNA study? Tapos i-grab itong 5-days BootCamp training na ito. Para magiging effective.

    O di kaya, mag-self-study, mag-basa ng books related sa CCNA certifications. Tapos mag-enroll sa 5-days training ng Mnet IT. Pero siguraduhin na nai-intindihan ang bawa't topics bago mag-enroll sa BootCamp (5days training). Para hindi maco-confuse or mangangapa ang isang student na nakapag-enroll na.

    Para sa akin ang BootCamp training na ito ay parang review lang. Kaya kung zero knowledge ka talaga sa networking or masyadong kokonti palang ang skills at knowlegde. I think dapat huwag ka munang mag-enroll dapat dito. Kasi mahihirapan kalang sa training.

    At least nakita ko ang 4 modules or na experience ko sa 5-days training ko sa Mnet IT.

    Magaling ang instructor, pero nasa student parin kung paano siya makakapasa sa certification exam. Study hard. Kailangan talaga ng disiplina sabi nga ng isang author sa Cisco books na si Todd Lammle.
     



  3. Tanong ko lang, after module 1 - 4 pwede na ko mag take ng CCNA Certification? Newbie lang ako pero gustong gusto ko talaga maging CCNA..
     



  4. Halos pumasa daw ang mga nag-take ng 5 days training sa Mnet IT. Nag-take ako ng training for 5 days din. Para malaman ang contents nito. Maganda at very broad. Pero kung makakabisa ang mga ito. Tiyak na papasa ka na.

    Maganda parin mag-ask ka ng assistance sa isang instructor. At mag-5 days BootCamp (CCNA) ka rin. Kasi ganun ang ginawa ng mga students na nakapasa.

    Pero pwede rin mag-ask ka ng assistance sa iyong instructor doon sa 4 modules na nakuha mo. Kung CCNA/CCNP narin siya. Bago ka mag-take ng exam.

    Meron kasing tips, advise and techniques ang mga instructors. Lalo na kung active na nag-tuturo ng CCNA curriculum ang isang instructor. Katulad diyan sa MNet IT.

    Hindi ko pino-promote itong Mnet IT company na ito. Pero sa feedback ko lang ang mga yan. At sa experience ko noong 5 days akong nag-aral (training). CCNA BootCamp.

    Hope nakatulong ako. Kahit paano.
     
                                 

Share This Page