Bawal b?

Discussion in 'PLDT DSL' started by CuteNelda, Feb 28, 2011.





  1. Bawal po ba pag nakikikabit sa inyo ang kapitbahay nyo ng INTERNET LINE?
    Kasi ilang buwan ng nakikikabit sa amin yung KAPITBAHAY NAMIN NG INTERNET. Pero kahapon may nagsabi na BAWAL DAW ITO at may MULTA SA PLDT kapag nahuli. Kasi dapat daw kung sino ang nasa CONTRACT nila yun lang ang may CONNECTION. Parang sa kuryente diba bawal pag nakikikabit sayo yung kapitbahay nyo? Ptulong naman po, may RULES po bang GANITO ang PLDT? Maraming Salamat.
     
  2. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    ha? kaya nga may internet sharing at router.. kasi pwede kahit sino maki connect...

    either thru wired or wifi yung kapitbahay mo mag kokonek sa iyo normal lang yun..

    walang problema yun.. problema mo lang kung yung kapit bahay mo eh nag babayad sa iyo tapos ang connectivty is hindi stable.. eh hindi mo pwedeng sisihin si PLDT na masisra business mo .. hehehe kasi hindi business line connection mo hehehe
     
  3. cORnviTz

    cORnviTz Member




    hindi nyo po ba binasa ang terms and agreement nyo ng PLDT? sa aking palagay bawal po talaga yan lalo na kung sinisingil nyo din ang kapitbahay nyo monthly...
     



  4. natanung ko nga po yan sa mismong b.o nila hindi daw pwede un..valid lang sa address kung saan mo inapply..
     



  5. hindi ko PO, binasa eh. and I think most subscriber especially residential hindi na binabasa ang kontrata, basta alam ko 2 years contract with termination fee lang and hindi ko pa binasa iyon sinabi lang nung ahente. And even though KAHIT PO, binasa ko tapos hindi ako nag-AGREE DOON sa TERMS AND AGREEMENT NILA eh wala RIN NAMAN PO AKONG MAGAGAWA DIBA? kasi NATURAL MAG-PIRMAHAN KO PA RIN iyon, kasi pag di ko pinirmahan yung CONtract di hindi po makakabitan..so PARANG sa pag-iinstall lang ng WINDOWS DIBA may EULA SILA? hassle pa kung babasahin mo yun ng buo, bago ka mag-install ng windows. :) thanks sa reply
     



  6. tama po. yun nga ang point ko eh, kaya ma internet sharing di po ba? pero parang iba yung sinasabi ng iba? naguguluhan tuloy ako kung puputulin ko na yung koneksyon ng kapitbahay ko, sayang din kasi yung bayad nya saken, tsaka bumili pa ako ng BAGONG ROUTER dahil lang don.
     
  7. duhwho

    duhwho staff Staff Member




    ano ba yung connection ng kapitbahay mo?

    just a simple sharing of internet access or pina pa bayad mo?
     
  8. jaworemoj

    jaworemoj Member




    pero kung ako..pwede naman ishare mo yun..binabayaran mo naman yun pldt..kung nakasaad man yun sa contract siguro huwag mo nalang sabihin na nakaconnect yung kapitbahay mo..ganun lang naman kasimple yun,
     



  9. syempre may bayad, pero that's not the point, (kasi po yung bayad eh pede namang SECRET lang kunwari walang bayad)
     
  10. JamesCooper

    JamesCooper Member




    ... huwag ka lang magi-issue ng resibo na nagsa-sabi na tumanggap ka ng bayad... sa ating batas kapag walang ebidensya, walang krimen... palagay ko, ebidensya rin kung wired ang gamit mo... kasi may "paper trail" este cable trail... tsaka masarap daw ang bawal... hehehe
     



  11. dyan ka tama! MASARAP TALAGA ang bawal! pero ang gusto ko sanang mag-reply eh baka meron ditong NAKA-EXPERIENCE dito na SINITA SILA ng PLDT o baka meron ditong NAG-WORK dati sa PLDT at may ganitong ISYU
     



  12. kasi po nasa kabilang kalye yung kapitbahay namin and KITANG-KITA yung LAN CABLE na nakabitin.
     
  13. jaworemoj

    jaworemoj Member




    yun lang ang mali e..sana diniskartehan nyo na yung hindi makikita para kahit bawal man o hindi edi safe yung ginawa nyo.pwede ding binalutan nyo ng duct tape para hindi halata.
     
  14. josekym

    josekym Member




    If you did not agree, then why did you sign-up?

    Nasa mali ka na, mag-justify ka pa na tama iyong gusto mong gawin dahil hindi bale sa iyo yung contrata na pinirmahan mo?

    Siguro, maaari na walang problema kung ganito ang kaso:

    1) Hindi mo kino-commercialize yung connection (i.e. hindi nagbabayad sa iyo ang kapitbahay mo for Internet access) at libre mo siyang pinapa-connect sa router mo. Ikaw pa rin naman ang nagbabayad sa monthly service fee mo, at nasa sa iyo pa rin naman naka-pangalan ang account.

    Pero, kung ikaw ay naniningil, then ibang kaso na iyon at talagang bawal. Nasa T&C nila na hindi mo maaaring i-resell yung connection mo, more so dahil ito ay residential type.
     
  15. josekym

    josekym Member




    Iyan nga ang siste. Kapag nahuli ka diyan, multa ka!

    News has wings, ika nga nila... ;)
     



  16. "If you did not agree, then why did you sign-up?"
    no offense po kuya, pero MAY CHOICE PO ba??? siyempre pag di ako nag-AGREE, di hindi ako makakabitan... it's that simple. parang ganito lang din yan, dipo ba marami ditong nag-rereklamo na kesyo ganito kesyo ganon, eh di paputol n lang sila? pero di pede, kahit sa kuryente laging brownout, o tubig na laging mahina ang tulo kahit magreklamo ka na no choice k p rin. "ANG EXAMPLE ko po ay yung SITUATION na di k na makakapili, kasi wala kang pagpipilian.
     



  17. Pero, kung ikaw ay naniningil, then ibang kaso na iyon at talagang bawal. Nasa T&C nila na hindi mo maaaring i-resell yung connection mo, more so dahil ito ay residential type.[/quote]

    technically speaking poba, hindi po ba sa shop eh NIRERESELL din yung INTERNET CONNECTION? kasi nagbabayad sayo yung customer eh, ano po bang difference ng NAGBABAYAD sayo yung kapitbahay mo sa internet connection pero sa kanya ang PC doon sa NAGBABAYAD sayo yung kapitbahay mo sa INTERNT CONNECTION PERO SAYO YUNG PC(dahil nga shop). Ito po ay isang pagtatanong lang po para po kayo makapagbigay ng idea. peace po ah. for the sake of discussion lang. :)
     
  18. l0rdmight

    l0rdmight Member




    IMO bawal yan, pero kung may verbal agreement naman kayo ng Kapitbahay mo that he's willing to pay for his usage eh walang kaso iyon. Since plan naman ang application mo sa PLDT, kahit 10users pa yan pero ang speed eh 512kbps at binabayaran mo naman monthly wala na silang dapat iangal dun unless na lang when it comes to facility issues, dahil maaring maging congested ang connection nila dahil sa dami ng request na galing sa isang client (which is ikaw) dahil nakakabit ang kapitbahay mo. So for, example 512kbps ang plan mo at nakikabit ang sampung kapitbahay mo at sabay sabay kayo nag surf, nagonline games, at nagyoutube so maraming request ang papasok kay PLDT maaring maging congested na ang network nila, so kawawa naman yung iba nilang subscriber. Which is yun ang iniiwasan nila kaya nila pinagbabawal yan.
     
  19. josekym

    josekym Member




    That is not a good enough reason... The T&C are there dahil nga, service ang ibinibigay sa iyo bilang customer. Therefore, may mga house rules din sila na dapat sundin. Kahit na maraming hindi sumusunod sa T&C, that does not mean na tama iyon... Look at it this way, bakit kung yung ISP mo eh bulok ang service, diba mag-rereklamo ka rin? Ganun din sila dahil isang uri ng misuse/abuse yung ganiyan na pag-resell ng residential na connection.

    Correct me if I am wrong, pero kung nalaman ni ISP mo na ganiyan ang nagawa mo, then they have all the right to terminate your subscription without due notice, and fine you for damages.
     



  20. well me ang kapitbahay komokonecta din ngaun sakin wala naman prob 50 mtrs pa nga ang haba ng utp cable heheh.
     
                                 

Share This Page