bat po madalas nagrereset ung model ko prolink h6300g(ISP GLOBE) malapit na ba ito masira(2x na ko nag enter ng password to refresh daw sabi ng CSR) ngaun ayaw na gumana ng enter password so i used my old modem and it works so i tried to hard reset my prolink h6300g modem then enter my user and password and it works again what do you think is this normal or not di kaya dahil dito mabagal ung net ko
ngaun ok na net ko. just thinking bakit kailangan ilagay lagi ung password and bakit nagreset ung modem ko mag isa. obserbahan ko kung magkakaganun pa din. ngaun ko lang na-reset modem ko so i hope na di na sya masira
same problem nung nasa globe pako.. laging nagrereset ang modem at ang nadiscover kong cause nito ay nasa wifi connected laptop na nagdadownlod using maximum bandwidth.. nalaman ko ito dahil nangyayari lang ito sa tuwing magkokonek ang roommate namin noon sa apartment.. pero pag single computer lang connected sa LAN, walang problema..
May mga users na nagsasabing mabilis uminit yung H6300G, at dahil dito, maaari siyang mag-overheat at magka-problema during operation...
Gamit ko ngayon ay isang lumang Byantel ADSL modem. One time, ginamit ko ang original Globe issued Aztech DSL605E modem. Naka-set to bridge mode at nilipat ko ang PPPoE username at password sa external buffalo router. Isang gabi, nawalan ng internet connection. The next day, pag check ko ng modem, nakita ko na na naging PPPoE na ulit ang setting ng modem at hindi na bridged. Parang na reset siya sa gabi. However, iba na username at password setting sa PPPoE at hindi sa aking account. Hindi naman nabago ang settings ng router ko. I suspected na baka may way ma access ang modem remotely kahit naka bridged na siya. And so pinalitan ko ng non-Globe modem.
ngaun ko lang nalaman nawalan din daw ng net mga globelines dito samin kahapon ayon sa tatay ko. hanggang ngaun daw wala daw sila sabi pa din ng tatay ko. di kaya nag aayos ang globe pos nagkastatic ung port dito samin kaya nagreset mga modem
nawalan nanaman ako ng net kaninang 1am at nagbago username ko. tingin ko nag aayos globe dito sa amin kaya ganito nangyayari
^^Kung nagbabago username mo sa PPPoE, then posibleng gawa iyan ng mga illegal na tech contractors or users. Gawain nila is to steal your PPPoE credentials and use it on another modem. Kaya nila pinapalitan ng iba ang username at password ay para hindi mahalata na nakuha na nila yung account mo. However, kung nagpalit na ng password (or curently in use) yung account na ipinalit nila, then bistado na dahil mawawalan ng connection yung pinaglagyan nilang modem. All that is done via WAN access to the web GUI ng modem. Remember, known na ang Admin access password ng Globe DSL modems sa net, so all these unscrupulous people have to do is to scan an IP range that belongs to Globe, and then try opening port 80 on the responsive IP addresses.
ganun ba un 3rd time na. kaso di din ako makakontack sa csr nila kagabi sabi sa phone the number you dial is not in service. ngaun nagtry ako magdial busy lagi